
SYNOPSIS
of the set
Mula sa maiikling kuwento na inilathala ng award-winning Filipino novelist na si Abdon M. Balde Jr., na pinagmulan ng iba’t ibang orihinal at bagong konsepto, at binigyang buhay sa pamamagitan ng mga monologo. Binubuo ng labing-isang kapana-panabik na istorya; mga piyesang may natatanging paksa. Nakapagtataka at nakatutuwa, ngunit isinasambulat ang mga katotohanan – Mga Kabalintunaan. Isang temang umiikot sa ideya ng pagsasalungat; lohikal, ngunit binubuo ng isang tiyak na kahulugan at pagkakaisa.
Ipararamdam ang hindi maramdaman. Ipakikita ang liwanag mula sa kadiliman. Asahan ang hindi inaasahan. Pumikit at iyong titigan – Mga Kabalintunaan. Maingat na ini-rekonstektuwalisa upang makumpleto ang bawat makabuluhan at makabagbag-damdaming eksena, na siya rin namang pinagisipan at pinaghandaan sa kontekstong madaling maintindihan ng mga manonood. Tunghayan ang iba’t ibang uri ng mga kwentong pag-ibig, krimen, kabalbalan, reinkarnasyon, at kasiyahan. Kontradiksyon na kukuwestiyon sa iyong lohika. Maaaring maging katawa-tawa o maglarawan ng tema, ngunit siguradong ang kritikal na pag-iisip ay mapagagana sa pagsusuri at pangingilala. Kilatisin ang negatibong kahulugang nakatago sa panlabas na positibo nitong kaanyuan. Puso ay maaantig at imahinasyon ay mabubuksan. Ihanda ang sarili para sa mga hindi inaasahang pangyayari.
Mga kuwentong nakahihiwaga ng Ballerino at ni Maria. Maging mga istoryang nakaaaliw at kapana-panabik ng ngongong si Toni o ng Parlorista. Sa mata ng isang hayskul na mag-aaral, o sa loob ng isang maliit na silid sa Caloocan. Narito ang mga Kabalintunaan. Tatas ng isip at lawak ng pag-intindi ang kailangan, huwag malilinlang mula sa tunay na ipinakahuhulugan, tuklasin ang mga ipinahihiwatig na problemang panlipunan. Abangan.
Mula sa malalawak na imahinasyon ng mga mag-aaral mula sa PUP Batsilyer ng Sining Pagtatanghal 2-2, Lantaw 2022, Balintataw Productions, inihahandog ang: Sinakulo; Sinigang na Buntot; Sa Bakuran, May Isang Puno; Eto na Nga!; Isang Kakaibang Karma; Ang Kasunduan; Anong Klaseng Babae; Kung Saan Nanggaling Ang Tao; Buhay sa Kabila, at Subastahan.
